Kung Nalulungkot ka

Hindi ako naniniwala sa relihiyon. Sa tingin ko, isa 'tong hadlang para makilala ng tao ang totoong Diyos. Isa 'tong makapal at malapad na tanikala na humaharang para makita at malaman ng tao ang katotohanan.

Kaunti lang 'yung nagbabasa ng Bibliya sa Pilipinas maging sa buong mundo. Kaya kaunti lang din ang nakakaunawa sa mga plano ng Diyos at kaunti lang ang nakakaintindi ng puso ng Diyos. May puso ba ang Diyos? Oo naman. Saging nga may puso Diyos pa kaya. Saka di ba, ginawa tayo na kawangis Niya sabi sa Bibliya. May puso tayo kasi may puso Siya.

Akala ko dati mga pari lang dapat 'yung nagbabasa ng Bibliya. Hindi pala. Lahat pala ng tao kailangan ang Bibliya para lumaya siya sa mga maling paniniwala. Araw-araw pala kailangan ng tao ang Bibliya para araw-araw siyang gabayan ng Diyos na lumikha sa Kanya. Sa Bibliya mo pala makakausap ang Diyos.

Kaya nga sabi ko, hindi ako naniniwala sa relihiyon kasi 'yan 'yung dahilan kung bakit hindi ko agad nakilala ang Diyos. Naging sarado 'yung isip ko sa maraming bagay at naniwala sa mga sabi-sabi at kapalaluan dahil sa relihiyon ko. Sumamba ako at nagdasal sa diyosa ng kalangitan na hindi naman nakakarinig at wala namang pakialam sa'kin. Pero tinalikuran at kinamuhian ko 'yung Diyos na tunay na nagmamahal sa'kin.

Kaya basahin mo 'yung Bibliya kasi diyan mo mahahanap 'yung katotohanan. 'Yan 'yung sasagot sa lahat ng katanungan mo kasi salita 'yan ng Diyos na lumikha sa'yo, na lubos na nakakakilala sa'yo. Kung nalulungkot ka, basahin mo lang 'yung liham ng tunay mong Ama, ang Bibliya. Sigurado, mawawala 'yung kalungkutan mo. Makakaramdam ka ng kapayapaan at tahanan. Pa'no ko naman nasabi 'yon? Siyempre naranasan ko 'yon nu'ng mga panahong gusto ko nang mawala sa mundong 'to.

Comments

Popular posts from this blog

Hunyo 15, 2023