Posts

Showing posts from January, 2023

MANIWALA AT MAGSISI

MAGANDANG BALITA   Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16 RTPV05 Balang-araw lahat tayo ay mamamatay. Hindi natin madadala ang pera o ari-arian natin. Mayaman ka man o mahirap, isa lang ang destinasyon mo. Kamatayan. Pero saan kaya mapupunta ang kaluluwa mo kapag namatay ka? Sa langit o impyerno? Paniwalaan mo man o hindi, hindi magbabago ang katotohanan na may langit at impyerno. At sinasabi sa Bibliya na lahat ng makasalanan ay mapupunta sa impyerno. At kung inaamin mo na nagkasala ka nga, ang destinasyon mo ay sa impyerno. Pero may magandang balita . Si Hesus ang nagbayad para sa mga kasalanan mo. Inako niya ang parusa na dapat ay ipataw sa’yo. Pinako siya sa krus at namatay para mapawalang-sala ka. Kaya ang dapat mo na lang gawin ngayon ay MANIWALA sa Kanya at MAGSISI sa m...

Ika-8 ng Enero, 2023

Job 5:17‭-‬21 NKJV “Behold, happy is the man whom God corrects; Therefore do not despise the chastening of the Almighty. For He bruises, but He binds up; He wounds, but His hands make whole. He shall deliver you in six troubles, Yes, in seven no evil shall touch you. In famine He shall redeem you from death, And in war from the power of the sword. You shall be hidden from the scourge of the tongue, And you shall not be afraid of destruction when it comes. Tunay nga na hinahayaan ng Diyos na dumaan tayo sa hirap para disiplinahin tayo. Pinapahintulutan niya na masaktan tayo at masubok para maging totoo ang pagmamahal at pananampalataya natin gaya ng dinalisay na ginto. May layunin ang Diyos sa lahat ng kanyang ginagaw, may rason kung bakit ka nasa sitwasyon mo ngayon at may rason kung bakit ka nandito. At kung dumaan man tayo sa pagsubok, hindi hahayaan ng Diyos na manatili tayo roon. Ililigtas niya tayo at papalayain sa sitwasyon kinakaharap natin. Kung nadurog man tayo dahil sa nangya...