Ika-8 ng Enero, 2023

Job 5:17‭-‬21 NKJV
“Behold, happy is the man whom God corrects; Therefore do not despise the chastening of the Almighty. For He bruises, but He binds up; He wounds, but His hands make whole. He shall deliver you in six troubles, Yes, in seven no evil shall touch you. In famine He shall redeem you from death, And in war from the power of the sword. You shall be hidden from the scourge of the tongue, And you shall not be afraid of destruction when it comes.

Tunay nga na hinahayaan ng Diyos na dumaan tayo sa hirap para disiplinahin tayo. Pinapahintulutan niya na masaktan tayo at masubok para maging totoo ang pagmamahal at pananampalataya natin gaya ng dinalisay na ginto. May layunin ang Diyos sa lahat ng kanyang ginagaw, may rason kung bakit ka nasa sitwasyon mo ngayon at may rason kung bakit ka nandito.

At kung dumaan man tayo sa pagsubok, hindi hahayaan ng Diyos na manatili tayo roon. Ililigtas niya tayo at papalayain sa sitwasyon kinakaharap natin. Kung nadurog man tayo dahil sa nangyari na ayon na rin sa kanyang kalooban, muli niya tayong bubuoin. Kung nasugatan man tayo, paghihilumin niya ang mga ito. Gagamutin niya ang mga sugat na dulot ng pagdidisiplina niya sa atin.

Ang pagmamahal ng Diyos ay talagang masakit, at kaya niya itong patunayan hanggang kamatayan. Kapag mahal ka ng Diyos, didisiplinahin ka niya at hahayaan ka niyang masaktan. Pero pagkatapos ng pagdidisiplina niya sa'yo, saka mo lang mauunawaan na mali ka pala at tama ang Diyos. Saka mo mapagtatanto na kahit masakit, kailangan pa la mangyari iyon.

Kaya nga dapat tayo nagagalak kapag may pagsubok, kasi ibig sabihin noon ay papunta tayo sa panibagong yugto ng buhay natin kasama ang Panginoon.


Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023