Eroplanong Papel

Sa ngayon, mas mabuti na sulatan ka ng liham kaysa sumigaw sa kalsada at bumulong sa kalangitan. Alam ko namang naririnig mo 'yung bawat tintang dumadampi sa mga pahinang ito. Batid kong nauunawaan mo ang bawat hikbi ng talata at tuldok.

Alalahanin mo na may nagmamahal sa'yo. Siya na lumikha sa'yo ay hindi ka iniwan at pinabayaan kailanman. Siguro nasaktan ka ng mundo, pero hindi nagbabago ang pagmamahal niya. Paniwalaan mo sana.

Bitawan mo 'yung galit at sakit sa puso mo. Mabuhay kang malaya. Palayain mo ang sarili mo, at magpalaya ka. Dahil pinalaya ka na ni Hesus. Pinatawad ka na ng Diyos. Binigay niya si Hesus para mamatay para sa mga kasalanan mo para hindi ka mapahamak. Ganu'n ka kamahal ng Diyos. Hindi ka niya inabandona. Ikaw ang nang-iwan at lumimot.

Kahit kailan hindi ka kinalimutan ng Diyos. Hindi siya tao para makalimot. Siya ay Diyos na laging nakakaalala.

Sana ay mapuno ka ng pag-ibig at kapayapaan. Huwag mong hayaan na matalo ka ng mundo. Hindi ka talunan dahil nabubuhay ang Haring pinaglilingkuran mo. Kasama mo siya saan ka man naroon. Malaman mo rin sana na may eroplanong papel na laging nagbabantay sa'yo. Hindi mo man makita pero lumilipad-lipad ito sa kalangitan para bantayan ka.

 

Hanna Grace L. Beltran
Agosto 2022


Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023