Hindi ka Nag-iisa
Gusto ko ako 'yung nasusunod. Ayokong may makialam sa ginagawa ko. Buhay ko 'to kaya gagawin ko kung ano 'yung gusto ko.
Mali pala 'yon. Kung sinuko mo na 'yung buhay mo sa Diyos, hindi na dapat ganu'n 'yung paniniwala ko. Kailangan mo palang isuko mula ulo hanggang paa, puso't kaluluwa, pati 'yung nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Kailangan mo pa lang magpabago. Kailangan mo pa lang sumuko.
Dapat pala pinapabago mo 'yung puso't isipan mo sa Kanya. At pinapatanggal mo 'yung mga masasamang bagay sa puso mo. Sabi ni Hesus, puno ng karumihan at kasamaan 'yung puso ng tao. Kaya dapat laging laman ng panalangin mo na sana linisin at baguhin ng Diyos ang matigas at marumi mong puso. At huwag kang tumigil na ipanalangin 'yon hangga't di mo nararamdaman na may nababago sa'yo. Kapag ginawa mong panalangin 'yan, asahan mo na maraming pagsubok ang darating. Normal 'yan. Masakit pero worth it. Ganyan kumilos ang Diyos. Ewan ko ba kung bakit. Basta ngayon naiintindihan ko na na mas natututo at nababago 'yung puso ng tao kapag nasasaktan 'to. Ganu'n nga suguro dinesenyo ng Diyos 'yung puso ng tao. Kapag lalong nasasaktan, lalong tumitibay.
Idulog mo sa Diyos lahat ng gagawin mo. Bago ka magdesisyon tanungin mo muna Siya. Alam Niya na 'yan bago mo pa sabihin pero natutuwa ang Diyos kapag kinakausap mo Siya tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay mo. Kahit alam mong alam Niya na, sabihin mo pa rin. Hayaan mo na ang Diyos ang magdesisyon sa mga bagay sa buhay mo. Huwag kang desisyon teh kasi sa dulo tingnan mo iiyak ka lang at magsisisi.
Ang biyahe ng buhay ay matagal, mabagal at masalimuot. Mahirap mabuhay nang mag-isa. Pero mas mahirap mabuhay kung wala ang Diyos sa buhay mo. Kaya nga wag kang magmamadali. Hinay-hinay lang. Isang hakbang lang muna, pagkatapos isang hakbang ulit. Mabagal man pero siguradong darating. Malayo man, kasama mo naman Siya. Alalahanin mo, hindi ka nag-iisa.

Comments
Post a Comment