Minsan hindi ko maintindihan si Lord

            Maraming bawal kapag Kristiyano ka. Maraming bawal at hindi dapat gawin. Kahit nga simpleng pakikinig sa mga kanta, hindi ko nagagawa. Boring. Malungkot. ‘Yan ‘yung naiisip ko dati, at ‘yan din ang mga naiisip ng ibang tao. Pero maling-mali ako. Mas masaya pa ako ngayon kaysa dati na hindi ko pa kilala si Lord. Masayang-masaya. Sobrang saya. Sobrang kumpleto. Sabi nga sa kanta, wala na akong hahanapin pa.

          ‘Yung buhay ko dati malungkot at walang patutunguhan. Walang saysay. Boring. Puno ng sakit at pagkukunwari. Puno ng kasamaan at kasalanan. Malungkot na malungkot.

          Totoo na maraming bawal at batas na kailangang sundin, pero ‘yung mga batas na ‘yun ni Lord ang siya ring dahilan kung bakit masayang-masaya ako. Mas masaya pala kapag sinusunod mo si Lord. Masaya pala kapag alam mong hindi mo nasasaktan ‘yung Diyos na lumikha sa’yo. Ang sarap pa lang mabuhay kapag may Tatay ka sa langit na nagdidisiplina sa’yo. Oo masakit at mahirap, pero ‘yung mga sakit at nahirap din na ‘yun ang ginagamit Niya para baguhin ka. ‘Yung mga luha mo rin ‘yung ginagamit ni Lord para palambutin ‘yung puso mo. Masakit pero worth it.

          Dati galit na galit ako kay Lord kapag may problemang dumadating, pero ngayon ikinatutuwa ko na. Ibig sabihin pala nu’n nandiyan pa rin siya sa tabi at patuloy kang hinuhulma, inaayos at binabago. Kapag hinahayaan pala ni Lord na masaktan ka, ibig sabihin pala nu’n pala nu’n mahal ka Niya kaya ayaw Niyang mapariwara ka.

          Ibang-iba magdisiplina si Lord. Malayo ito sa iniisip ng karamihan. Minsan ‘yung panget at masakit na bagay ay ginagamit Niya para sa dulo mabigay Niya sa’yo ang tunay na kagalakan, kapayapaan at kapahingahan. Kakaiba ang mga pamamaraan ng Diyos kaya mahirap itong maunawa ng mga pag-iisip natin. Gaya nga ng sabi Niya sa Isaiah 55:8, “My thoughts are nothing like your thoughts,” says the LORD. “And my ways are far beyond anything you could imagine.”

          Kaya patuloy kang magtiwala sa Kanya. Siya ang lubos na nakakaunawa sa’yo at sa sitwasyon mo. Hindi Siya nanahimik sa gitna ng paghihirap mo kundi naghihintay lang ng tamang panahon para maligtas ka.


Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023