Si Paulo

Hindi pumasok 'yung propesor namin nu'ng araw na 'yun. Siyempre labis akong natuwa. Ems. Lumabas ako noon ng klasrum namin sa East Wing 300. 'Yun 'yung pinakaunang klasrum namin. Mainit at hindi komportable, pero puno ng istorya at paglaban. Paglabas ko ng pinto, nakita kong nakaupo si Paulo upuang malapit sa dome. Nakatingin sa kawalan. Iniisip siguro 'yung crush niyang binasted siya na sa UST na nag-aaral ngayon.

Lumapit ako sa kanya at niyaya siya bumili ng pagkain sa Lagoon. Nu'ng una ayaw niyang sumama. Medyo nadismaya ako. Kaya sabi ko, "Libre kita." Aba mabilis na tumayo ang lolo mo.

Kaya ayon, nilibre ko siya ng corndog. At doon nagsimula 'yung friendship namin. Kung friendship mang matatawag 'yun. Kasi ewan ko ba, lumalapit lang siya kapag may kailangan. Ems.

Singkit 'yung mata ni Paulo. Maputi at katamtaman 'yung tangkad. Siguro pareho kami ng height. Isa siya sa mga masasabi kong naging close ko kasi pareho kami ng level of energy, kawangis din ng paniniwala at paninidigan. Mahilig siya mag-rant lalo na tungkol sa mga pangkatang gawain. Isang karangalan naman sa'kin na mapagkwentuhan kasi ibig sabihin nu'n may tiwala siya sa'kin. Pero minsan napipilitan lang ako makinig sa kanya kasi wala namang choice.

Masayang makipagkwentuhan lalo tungkol sa bigat ng buhay, bagsik ng mga problema, at kung ano-ano pang mga istoryang pansamantalang nakakatanggal ng mga alalahanin sa araw-araw. Isa nga si Paulo, sa mga taong nakakakwentuhan ko tungkol sa iba't ibang bagay.

May mga nagkakagusto sa kanya sa klasrum. Isa siguro. Kilala ko rin 'yung naging crush niya sa klasrum. Isa lang din. Pero maraming nagkakagusto sa kanya sa mga nasa lower year. 

Higit dalawang taon na rin kaming hindi nagkikita. Sana ngayong taon ay magkita na kami. Kung papahintuluan man ng panahon.


Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023