2 Pedro 2:3
2 Pedro 2:3 ASND
Dahil sa kasakiman nila, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng matatamis na
salita para kwartahan kayo.
Maraming tao nagpapakalat ng maling
interpretasyon ng Bibliya. Kahit ako, hindi ko ito maiwasan kung minsan. Kaya
nga ang pinakamainam na gawin sa mga panahong ito ay basahin ang Bibliya
araw-araw nang sa gayon ay araw-araw din tayong natututo at lumalawak ang
pang-unawa natin tungkol sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Madaling magsalita
patungkol sa Diyos. Pero hindi lahat ng patungkol sa Diyos na sinasabi nila ay
katotohanan. Minsan hindi nila sadya pero mayroong ding nananadya para
manlinlang ng tao dahil sa mga pansarili nilang ambisyon. At gaya nga ng sabi ni
Pablo, ang Diyos na ang bahala para magparusa sa kanila.
Hiling ko na laging
buksan ng mga Kristiyano ang Bibliya nila. Hindi lang sila bastang umupo sa loob
ng simbahan at lunukin lahat ng sinasabi ng mga pastor kasi marami ang hindi
talaga nakakakilala sa Diyos pero nagsasalita sila tungkol sa Kanya.
Nagkukunwari silang alam na alam at kilalang-kilala ang Diyos pero niloloko lang
pala nila ang sarili nila pati ang mga nakikinig sa kanila. Kaya nga walang
ibang magandang gawin ngayon kundi ang personal na pag-aralan ang Bibliya. Sa
pamamagitan nito, makakaligtas ka sa panlilinlang ng mga mapagsamantala.
Comments
Post a Comment