Kamatayan

Bakit namatay si Hesus?

Si Hesus ay namatay upang maligtas tayo sa kamatayan. Siya ang Salita ng Diyos na nagkatawang tao. Naranasan niyang mtukso, maghirap katulad natin subalit kailanma’y hindi nagkasala. Siya ang tupa ng Diyos na walang kapintasan. Dumanak ang dugo niya para sa sanlibutan sapagkat sinasabi sa kasulatan na kung walang pagbubuhos ng dugo bilang handog sa Diyos, wala ring kapatawaran ng mga kasalanan. Ibinigay mo ng Panginoong Hesus ang Kanyang buhay upang malugod ang Diyos Ama, at Siya ay nalugod kay Hesus kaya ngayo’y pinatawa Niya ang ating mga pagkakasala. Ikaw po ay pinatawad na ng Diyos dahil sa ginawa ng Panginoong Hesus. Ikaw po ay pinatawad dahil sa ginawa ni Hesus at hindi dahil sa ginawa mo. Hindi po sapat ang ating kabutihan upang mapagtakpan ang ating mga kasalanan. Hindi rin po ito sapat upang tayo’y makaakyat sa langit, kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Hesus. Sapagkat si Hesus po ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Tayo pong lahat ay nagkasala kung kaya’t nararapat tayong mamatay sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Subalit ako libreng kaloob po ng ating Diyos Ama ay buhay na walang hanggang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ang kapatawaran, ang buhay na ganap at buhay na walang hanggan ay regalo po sa iyo ng ating Diyos Ama at nais Niyang tanggapin mo ito.

Kung gayon, ano ang dapat kong gawin upang matanggap ang regaling ito? Paano ako mapapatawad sa aking mga sala at paano ako magkakaroon ng buhay na walang hanggan?

Gaya ng aking sabi, wala kang dapat na gawin kundi manampalataya sa ating Panginoong Hesus. Subalit paano ka mananampalataya?

Gamitin niyo ang inyong puso.

Magsisi ka sa iyong mga kasalanan at magbalik loob sa ating Panginoon. Pumunta ka sa loob ng iyong kwarto, kausapin mo ang ating Panginoon at sa Kanya mo ikumpisal ang iyong mga kasalanan. Sabihin mo sa Kanya na nagsisisi ka na at nais na bumalik sa Kanyang presensya. Ibigay mo ang iyong buong puso, buong isipan, at buong kaluluwa. Talikuran mo ang inyong mga kasalanan at simulang lumakad sa Salita Niya.

Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023