Fullness of Joy
Psalm 16:11
You make known to me the path of life; in your presence there is fullness of joy; at your right hand are pleasures forevermore.
Kalungkutan.
Para sa'kin, isa itong parusa nang paglayo natin sa presensiya ng Diyos. Ayokong nalulungkot ang mga tao pero ayokong isipin nilang masaya sila kahit wala si Hesus sa buhay nila. Kasi ang totoo, nasa presensiya ni Hesus ang tunay na kasiyahan.
Naaalala ko nu'ng wala akong Hesus sa buhay. 'Yun ang mga panahon binabalot ng kalungkutan ang buo kong pagkatao. Tinalikuran ko ang Diyos kaya't niyakap ako ng mundo. Kasabay nu'n ay ang araw-araw kung pakikibaka sa walang kasing lalim na lungkot at pagkalumbay.
Akala ko wala nang katapusan 'yung pagdurusa ko.
Akala ko habang-buhay na akong makakaranasan ng lungkot na di ko maipaliwanag.
Si Hesus pala ang daan paalis sa lambak ng kalungkutan papunta sa ilog ng walang humpay na kagalakan. Siya ang nagligtas sa'kin sa selda ng kadiliman patungo sa kaliwanagan.
Dahil kay Hesus, naranasan ko ang kasiyahang hindi ko maipaliwanag. Walang rason kung bakit ako masaya. Pero masaya ako dahil nasa presensiya ako ng Diyos.
Kung ginawa ito ni Hesus sa buhay ko, kaya Niya ring gawin ito sa buhay mo. Kung iniligtas Niya ako, ililigtas ka rin Niya.
Comments
Post a Comment