Job 36:21 NLT
Kapag alam mo talaga ang Salita ng Diyos, hindi mo Siya basta-bastang sisisihin sa mga nangyayari sa buhay mo. Kapag binabasa mo ang Bibliya, mas naiintindihan mo si Lord. Alam mo na may dahilan kung bakit Niya hinahayaan na mangyari ang mga bagay-bagay. Lumalawak ang pang-unawa mo at mas nagiging matalino ka sa buhay.
Dati madalas kung sisihin ang mga tao sa paligid ko kapag may nangyayari hindi maganda sa'kin. Sinisisi ko 'yung pamilya ko at mga kaibigan at napupuno ng galit at hinanakit ang puso ko. At siyempre, higit sa lahat ang Diyos ang sinisisi ko.
Dinidisiplina at tinuturuan pala tayo ng Diyos kaya may mga pagsubok na dumadating sa buhay natin. Itinutuwid Niya ang mga mali natin pag-iisip at pamamaraan para hindi tayo mapahamak. Ganu'n tayo kamahal ni Lord pero hindi natin 'yun nakikita.
Minsan naman 'yung mga pangit na pangayayari sa buhay natin ay resulta ng mga mali nating desisyon. Resulta ng kasalanan at pagsuway natin sa Diyos.
Comments
Post a Comment