Joy

Psalm 16:89 
I know the LORD is always with me. I will not be shaken, for he is right beside me. No wonder my heart is glad, and I rejoice. My body rests in safety. 

Napalapit ako kay Hesus dahil sa depression ko. Marami akong nababasa na Bible na nagsasabing sa piling ng Diyos mo matatagpuan ang tunay na kagalakan. Sinasabi rin na isa sa mga bunga ng Banal na Espiritu ay kagalakan (Galataians 5:22). At kitang-kita ko sa mga Kristiyano 'yung joy na nararanasan nila. Kita sa mukha nila, galaw at pananalita. At sinabi ko sa sarili ko, "Gusto ko rin ng joy na mayroon sila." 'Yung ang rason kung sumunod ako kay Hesus. Alam ko medyo mali pero 'yun talaga 'yung gusto. 'Yung maging masaya kahit binabagsakan ng problema ng mundo. At alam ko na 'yung saya na hinahanap ko ay kay Hesus ko lang matatagpuan. 'Yung saya na hindi mo maipaliwanag. A joy that surpasses all understanding. Hindi destinasyon ang kasiyahan. Si Lord ang destinasyon at kagalakan ang kasama mo papunta roon kahit gaano man kahirap.

Sabi sa Nehemiah 8:10, "The joy of the LORD is your strength!" Ang kasiyahan daw ng Panginoon ang kalakasan ko. Nagiging malakas ako dahil nagagalak ang Panginoon. Pero paano nagagalak ang Panginoon? 'Yan ang tanong ko. Hindi ako sigurado pero naisip ko na baka natutuwa ang Diyos kapag sinusunod natin Siya at ang Salita Niya. Natutuwa Siya kapag lumalakad tayo sa kabanalan at katuwiran. Nagagalak Siya kapag umiiwasa tayo sa paggawa ng masama at kasalanan.

Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023