Kabutihan
“Now therefore, speak to the men of Judah and to the inhabitants of Jerusalem, saying, ‘Thus says the Lord: “Behold, I am fashioning a disaster and devising a plan against you. Return now every one from his evil way, and make your ways and your doings good.”
Jeremiah 18:11 NKJV
Minsan nakakalimutan ko na gumawa ng mabuti sa kapwa ko. Minsan naman sinasadya ko kasi inconvenient sa'kin. Ginagawa ko 'yon kasi alam mo na papatawarin naman ako ni Lord. Alam ko kung ano ang ginawa ni Hesus sa krus kaya madali sa akin ang humindi sa pangungusap ng Panginoon na gumawa ng mabuti sa mga nangangailan. Isang libong beses ko nang hindi pinansin ang Diyos dahil alam ko na papatawarin niya ako. Alam kong naiintindihan niya ako.
Pero habang tumatagal, nasasanay na ako. Mas madali na sa akin na humindi. Halos di na ako nakokonsensya. Pero napagtanto ko na sa pagkakataong ito, kailangan ko nang bumalik sa Diyos at sundin na ang boses niya.
Mapagpatawad ang Diyos, pero dahil sa paulit-ulit kong kasalanan, napapalayo na ako sa kanya. Hindi siya ang lumalayo kundi ako. Ang kasalanan ko ang dahilan kung bakit ang layo ko na sa kanya. Hindi ko na siya marinig dahil din sa kagagawan ko. Kaya sinabi ko sa Panginoon, "Lord, gusto ko nang bumalik. Inaamin ko na nagkasala ako. Sinunod ko ang puso ko at hindi ang boses mo." At narinig niya ang pagtawag ko. Naawa siya sa akin at pinatawad niya ako. Inalis niya ang kalungkutan ko at nilinis ang puso ko.
Comments
Post a Comment