Katapusan

1 Pedro 4:7 ASND
Malapit na ang katapusan ng mundo. Kaya pigilan ninyo ang sarili nʼyo para hindi kayo makagawa ng masama at nang walang maging hadlang sa mga panalangin ninyo.

Marami ang walang pakialam kay Hesus kasi hindi naman nila alam na kailangan niya sila. Pero sinasabi sa Bibliya na may naghihintay na kaparusahan sa atin, sa lahat ng tao sa buond mundo dahil sa mga kasalanan natin. Darating araw na sisirain ng Diyos ang mundo at mayroong Araw ng Paghuhukom. Walang makakaligtas malibang manampalataya ang tao kay Hesus.

Nakakatakot ang katotohanan ito pero hindi lahat naniniwala dito kaya hindi rin sila naniniwala kay Hesus. Pero para sa'kin hindi dapat ito ang pangunahing dahilan kung bakit dapat kang maniwala kay Hesus. Para sa'kin hindi takot (dahil sa napipintong parusa) ang manaig sa paglapit natin kay Hesus kundi ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan.

Malapit na akong magtapos sa kolehiyo. At sabi nila malapit na rin ang katapusan ng mundo. Kaya nga wala akong pangarap ngayon kundi marinig ng mga mahal ko sa buhay ang Magandang Balita tungkol kay Hesus. Wala akong ibang gusto kundi magkaroon ng buong pusong pagsisisi ang lahat ng tao para sila ay maligtas. Gusto kong makilala ng mga tao ang Hesus na Tagapagligtas nila. 'Yan ang tanging pangarap ko sa pagtatapos ko sa kolehiyo bago pa magunaw ang mundo.

Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023