Lahat ay sa Kanya
Job 1:21
He said, “I came naked from my mother’s womb, and I will be naked when I leave. The LORD gave me what I had, and the LORD has taken it away. Praise the name of the LORD!”
Kagigising ko lang at ito agad ang pumasok sa isipan ko. Lahat ng bagay ay pagmamay-ari ng Diyos. At lahat ng mayroon tayo ay pansamantala Niyang pinapahuram sa atin. May panahon kung kailan nagbibigay siya ng biyaya. At may panahon kung kailan kinukuha Niya ang anumang binigay Niya sa atin maging bagay man o mga tao sa buhay natin. Magulang, kapatid, anak, kaibigan, at mga materyal na bagay. Lahat ng iyan ay natatanggap natin mula sa Diyos pero hindi ito mananatiling sa atin dahil Siya ang tunay na nagmamay-ari sa lahat ng mayroon tayo. Maging ang ating mga sarili.
Repleksyon
Kapag naiisip ko ang katotohanang ito, naiiwasan ko ang maging possesive at pagiging materialistic. Ang hirap kasi nu'ng inaangkin mo lahat. At hinahawakan mo ng pagkahigpit-higpit 'yung mga bagay na mayroon ka. Ayaw mong pakawalan ang mga taong dumadating sa buhay. Pero sa huli, madidismaya at masasaktan ka lang kasi hindi naman nakatadhana na manatili sila habang-buhay sa buhay mo.
Kapag iniisip mong hindi sa'yo ang mga bagay na mayroon ka, mas naiingatan mo ang sarili mo. Mas binibigay mo ang tiwala mo sa Diyos sa halip na saa sarili mo, sa mga tao, at sa yaman na mayroon ka. At sa tingin ko, ito ang pinakamainam na prinsipyong isabuhay. Nang sa gayon ay hindi ka masaktan, hindi mo masaktan ang mga taong nakapaligid sa'yo, at lalong lalo na ang Panginoon.
Comments
Post a Comment