Mga Bagay na Lumilipad sa Utak ko
Kapag gumawa ka ng mabuti, mapupunta ka sa langit. Kapag naging mabait ka, mapupunta ka sa langit.
Isa itong kasinungalingan. Hindi ka papasukin ng Diyos sa Langit dahil sa mga mabubuti mong gawa. Hindi kayang pagtakpan ng mabubuti mong gawa ang kasalanan ng 'yung kaluluwa. Kung kaya mong gawin 'yun, edi sana hindi na Niya pinababa ang nag-iisa Niyang anak. Kung kaya mong iligtas ang sarili mo, para saan pa ang pagkamatay ni Hesus? Namatay si Hesus dahil hindi mo kayang iligtas ang sarili mo.Walang ibang daan papunta sa Kaharian ng Diyos maliban kay Hesus. Siya ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Si Hesus lang ang tanging makapaglilinis sa'tin sa atin mga kasalanan. Siya lang at wala nang iba.
Ang tunay na tagumpay ay hindi ang magkamit ng mga materyal na bagay. Ang tunay na tagumpay ay ang makilala si Hesus at paglingkuran Siya habang-buhay.
Hindi isang religious book ang Bibliya. Ito ay ang aklat na naglalaman tungkol sa Lumikha sa'yo, sa'yo at sa mundong ginagalawan mo. Kaya basahin mo ito araw-gabi. Pagbulayan araw-araw. At ilagay sa puso't isipan.
Magiging maunlad lang ang Pilipinas kung makikilala ng mga Pilipino ang totoong Hesus ng Bibliya at hindi ang Hesus Katolisismo.
Ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal ay direktang pagtuligsa sa maling turo ng simbahang Katoliko. Luh.
Ang kanser ng lipunan ay ang kasalanan. Char.
May katapusan ang lahat. Muling babalik si Hesus hindi para iligtas ang mundo kundi para hatulan ito.
May kaparusahang naghihintay sa lahat ng tao. Pero hindi ito alam ng karamihan. At ang tanging paraan lang para maligtas ay ang maniwala kay Hesus.
Comments
Post a Comment