Pag-amin

When I refused to confess my sin, my body wasted away, and I groaned all day long. . . . Finally, I confessed all my sins to you and stopped trying to hide my guilt. I said to myself, “I will confess my rebellion to the Lord.” And you forgave me! All my guilt is gone.
Psalm 32:3,5

Nagsisimula ang pagbabago sa buhay natin kapag inaamin natin ang mga kasalanan natin. Pero kapag pilit natin itinatago 'to sa Diyos, mas lalo tayong nahihirapan at nabibigatan gaya ng inilahad ni David. Habang matagal nating tinatago sa Diyos ang kasalanan natin, mas lalo tayong nagiging ma-pride at napapalayo sa Kanya. Ganu'n ang ginawa ni Adam at Eba dati noong nagkasala sila kay Lord. Nagtago sila. Pero kahit nagtago sila, kitang-kita at alam na alam pa rin ng Diyos kung ano ang ginawa nila. Kaya wala ring silbi ang pagtatago kasi nakikita ng Diyos ang lahat. Kapag pilit kang nagtatago, ikaw lang din ang nahihirapan. Ikaw lang din ang nakukulong sa kasalanang ginawa mo. 

Kaya wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Papatawarin ka ng Diyos sa lahat ng kasalanan mo kapag umamin ka sa Kanya dahil kay Hesus. Kaya wag kang matakot at mahihiyang humingi ng tawad kasi lagi lang naghihintay si Lord na lumapit ka sa Kanya. 

Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023