Pagbabalik

Lucas 15:11-24
Nagpatuloy si Jesus sa kanyang pagkukwento, “May isang ama na may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama, ‘Ama, ibigay nʼyo na sa akin ang bahaging mamanahin ko!’ Kaya hinati ng ama ang ari-arian niya sa dalawa niyang anak. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon niya ginastos ang lahat sa walang kwentang pamumuhay. Nang maubos na ang pera niya, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at naghirap siya. Kaya namasukan siya bilang tagapag-alaga ng baboy sa isang taga-roon. Sa tindi ng kanyang gutom, parang gusto na niyang kainin kahit pagkain ng mga baboy, dahil walang nagbibigay sa kanya ng makakain. “Nang mapag-isip-isip niya ang lahat, sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Sa amin kahit ang mga utusan ng aking ama ay may sapat na pagkain at sobra pa, pero ako rito ay halos mamatay na sa gutom. Babalik na lang ako sa amin at sasabihin ko sa aking ama, “Ama, nagkasala po ako sa Dios at sa inyo. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo. Gawin nʼyo na lang akong isa sa mga utusan ninyo.”’ Kaya bumalik siya sa kanyang ama. Malayo pa ay natanaw na siya ng kanyang ama at naawa ito sa kanya, kaya patakbo siya nitong sinalubong, niyakap at hinalikan. Sinabi ng anak sa kanyang ama, ‘Ama, nagkasala po ako sa Dios at sa inyo. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ Pero tinawag ng ama ang mga utusan niya, ‘Madali! Dalhin nʼyo rito ang pinakamagandang damit at bihisan siya. Lagyan ninyo ng singsing ang daliri niya at suotan ninyo ng sandalyas ang mga paa niya. At kumuha kayo ng batang baka na pinataba natin, at katayin ninyo. Magdiwang tayo dahil ang anak ko na akala koʼy patay na ay bumalik na buhay. Nawala siya, pero muling nakita.’ Kaya nagsimula silang magdiwang.‬‬‬‬‬”‬

Ang pamagat ng kwentong iyan ay ‘Ang Suwail na Anak’. At sino ang tinutukoy na suwail? Tayo, tayo ang mga suwail na anak ng Panginoon. Lumayo tayo sa Kanya at sinunod ang pansariling kagustuhan, tayo ay namuhay ayon sa laman at hindi sa Salita at kalooban ng ating Panginoon. Kaya nga, marami tayong nararanasan ngayon na hindi natin lubos maunwaan sapagkat tayo ay naliligaw at malayo sa ating Panginoon, kaya paano Niya tayo kakausapin upang ipaintindi ang ating kanya-kanyang sitwasyon? Lahat ng kuwento ng Panginoong Hesus na nakatala sa Bibliya ay may layunin. Madalas ang dahilan ay para ipakita at ipakilala kung sino ang Diyos Ama. At kung minsan naman ay upang ihayag ang Kanyang plano para sa sangkatauhan. Ngayon, ano ang layunin Niya sa kwentong ito? Bakit ito kinuwento ng Panginoon? Sa kwentong ito, dapat ang parusa sa suwail na anak ay batuhin hanggang sa siya’y mamatay. Iyan ang nararapat nag anti ng ama sa anak ayon sa bata nila sang-ayon sa Deutoronomy 21:20-21, ‘Sasabihin nila sa mga tagapamahala, ‘Matigas ang ulo nitong anak namin at rebelde siya; hindi siya sumusunod sa amin. Gastador siya at lasenggo.’ Pagkatapos, dapat siyang batuhin ng lahat ng naninirahan sa bayan hanggang sa mamatay siya’. Subalit hindi gayon ang naging tugon ng ama ayon sa kwento ng ating Panginoon sapagkat ang tugon ng ama sa kwentong ito ay siyang tugon sa atin dahil tayo ang tinutukoy na suwail na anak. Sa halip, ipinakita ng ama ang labis-labis na nagmamahal niya sa kanyang anak. Kaya nga, noong tayo’y makasalanan pa, ang Panginoong Hesus ay namatay para sa atin ayon sa kalooban ng Diyos Ama. Sapagkat labis ang pag-ibig ng ama sa kanyang anak, tinanggap niya pa rin siya sa kabila ng kanyang nagawa. Imbes na itakwil, siya’y binihasan ng pinakamagandang dami at sinuotan ng sandalyas ang kanyang mga paa. Nagdiwang ang ama at ipinakatay ang pinakamatabang baka at nagdiwang siya. Gayundin, ang ating Ama sa langit ay nagdidiwang din sa tuwing may isang kaluluwang bumabalik sa Kanya. Labis-labis ang kanyang saya sapagkat ang anak Niyang nawawala ay muling natagpuan. Ganung ang kwento ng Panginoong Hesus sapagkat ganyan ng reaksyon ng ating Amang nasa langit sa tuwing may nagsisisi sa kanyang mga kasalanan. Tuwang-tuwa Siya at bukas ang Kanyang mga kamay upang yakapin ang kanyang anak na nawala’y sa Kanya. Tayo nangrebelde at naghimagsik laban sa Panginoon sa loob ng mahabang panahon. At dahil doon, tayo ay pinarusahan Niya sapagkat Siya ay makatarungan, Siya ay katarungan. Mapagmahal Siya, maawain, hindi mabilis magalit, subalit pinaparusahan Niya ang sinumang nagkasala. Kaya nga, tayo ay napalayo sa Kanya sapagkat sinuway natin Siya. Nagkasala tayo sa Kanya kung kaya’t nararapat tayong mamatay, nararapat tayong magbayad sa ating mga kasalanan. Subalit hindi nais ng Panginoon na tayong lahat ay mapahamak, kaya nga pinababa Niya ang Kanyang kaisa-isang anak upang magbayad sa ating mga kasalanan.

Ang ating Panginoong Hesus ay isinumpa ng Diyos upang ang ating mga kasalanan ay mapatawad. Iyan ang sabi ni Apostol Pablo sa Galacia 3:13, 'Ngunit hindi natin masunod ang lahat ng iniuutos ng Kautusan, kaya sinumpa tayo ng Dios. Pero ngayon, tinubos na tayo ni Cristo sa sumpang ito. Sinumpa siya alang-alang sa atin, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Isinumpa ang sinumang binitay sa puno.” At sinabi sa Deuteronomio 21:22‭-‬23, 'Kung ang isang tao ay pinarusahan ng kamatayan dahil sa isang krimen na ginawa niya, at ibinitin ang bangkay niya sa puno, hindi dapat umabot hanggang umaga ang bangkay niya roon. Dapat ninyo itong ilibing sa araw ding iyon, dahil ang sinumang ibinitin sa puno ay isinumpa ng Diyos.' Kaya nga, kung nagbayad na ang ating Panginoong Hesus para sa ating kasalanan, kailangan pa ba nating magbayad? Hindi na! Sapagkat kung muli tayong magbabayad, aba'y para saan pa ang Kanyang pagkamatay? Mawawalan ito ng saysay. Samakatuwid, tayo ay malinis na sa mata ng Diyos Ama. Tayo ay malaya na sapagkat ang sinumang pinalaya ng Anak ay tunay ngang malaya.

Tayo ay ginawa niyang mga anak dahil nanampalataya tayo sa Kanyang Anak na si Hesus. Hindi na natin kailangang mamatay dahil si Hesus na ang namatay para sa atin, at kung Siya ay muling nabuhay at kasalukuyang nabubuhay, tayo, mga kapatid, ay muli ring mabubuhay. Mabubuhay tayo nang walang katapusan, walang hanggan kasama ng ating Ama. Iyan ang sinasabi sa Padre Nuestro 3:16, 'Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Subalit ang walang katapusang buhay na ito ay mararanasan natin kapag bumalik na muli ang ating Panginoon. Sa araw na iyon, makikita natin ang bagong langit at ang bagong lupa. Maglalaho ang dating langit at lupa, pati na rin ang dagat. At ibababa ng Diyos ang Kanyang tahanan, ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, mula sa langit. At Siya ay mananahan kasama natin. Hindi na kailangan ng araw sa umaga o buwan sa gabi dahil ang Diyos mismo ang magsisilbi nating ilaw. Wala nang luha ang dadaloy sa ating mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Iyan ang magandang Pangako ng ating Diyos sa mga nanampalataya, nagmamahal, tapat at patuloy na naghihintay sa Kanya.

Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023