Walang Kasiguraduhan

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'kin paglipas ng sampung taon. Sa ngayon, gusto kong mag-Law School pagkatapos ng bachelor's degree. Pero gusto ko ring maging manunulat at gumawa ng mga documentary films. Nasa puso ko rin naman ang pagtuturo. Pero ewan. Hindi ko talaga alam. Kahit magplano man ako, si Lord pa rin ang masusunod. Siya ang susundin ko kasi Siya ang Master ko. Siya dapat ang masusunod at hindi ako.

Isang taon na lang magtatapos na ako sa kolehiyo. Nae-excite ako at kinakabahan sa posibleng mangyari. Pa'no kung hindi maging maayos 'yung daloy ng mga pangyayari? Pa'no kung mabigo ako sa mga gagawin ko? May mga ganoon akong naiisip. Pero nananaig pa rin ang Salita ng Diyos sa puso ko. Kaya kahit walang kasiguraduhan, alam kong may plano ang Diyos. Maaaring dumaan ako sa apoy pero naniniwala ako na hindi Niya ako iiwan at pababayaan. Alam ko na anuman ang mangyari, saan man ako mapadpad, sigurado ako na sasamahan ako ng Panginoon kaya hindi ako mangangamba at matatakot.

Sa gitna ng masalimuot na mundong ito, ang Diyos ang tangi kong maasahan. At Siya ang kasiguraduhan sa lahat kong alinlangan.

Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023