Worthless Pursuits
Ngayong umaga habang nagbabasa ako sa chapter 12 ng Proverbs, hindi ko maiwasang mapaisip sa mga salitang ito,
"he who follows worthless pursuits lacks sense."
'Yan ay nasa ika-11 na berso ng kabanata 12, "Whoever works his land will have plenty of bread, but he who follows worthless pursuits lacks sense." Paulit-ulit kong inisip kung worthless pursuit ba 'yung pagsusulat ko sa blog na 'to. Ano pa kaya 'yung mga worthless pursuit sa buhay ko na patuloy ko pa ring ginagawa? Siguro panunuod ng kdrama kung minsan at pag-scroll sa facebook kapag walang magawa.
Lahat tayo may mga worthless pursuits sa buhay. Mga bagay na walang kabuluhan. Ginagawa natin ang mga ito dahil hindi natin napagtatanto na wala naman pa lang saysay. Nagsasayang lang tayo ng oras. Minsan ginagawa natin kasi bored tayo at walang mapaglibangan. Minsan naman ginagawa natin kasi ginagawa ng karamihan. Nakikiuso at sumasabay lang sa daloy ng mundo. At kung minsan naman ginagawa natin para sa pansarilin nating ambisyon. Para sumaya. Para maging sikat. Para yumaman. Pero ang totoo nakakasira na ito sa sarili natin at sa ibang tao.
Kaya kung anuman 'yang mga worthless pursuit mo ngayon, bigyan mo ng oras ang sarili mo na isipin kung kapakipakinabang ba ang mga ito sa relasyon kay Lord at sa ibang tao. Magmuni-muni ka. Mag-isip-isip sa kung ano ang mga bagay na dapat ipagpatuloy na gawin at ano ang kailangan ihinto. Tandaan, marami kang oras pero may katapusan ang oras mo sa mundong ito. Kaya gawin mo ang makapagbibigay ng kapurihan sa Kanya.
Comments
Post a Comment