Posts

Showing posts from December, 2022

Ika-11 ng Disyrembre 2020

For the mind that is set on the flesh is hostile to God, for it does not submit to God’s law; indeed, it cannot. Those who are in the flesh cannot please God. Romans 8:7‭-‬8 ESV Lumakad tayo sa patnubay ng Banal na Espiritu. Hindi dapat ang makamundong pagnanasa ang pinapairal natin kundi ang mga bagay na kalugod-lugod sa Diyos. Ang mga makamundong bagay katulad ng katakatawan, kasamaan, kahalayan, kalaswaa, kasakiman, karamutan, pagmamayabang, pag-aaway, inggit, galit at pagtatanim ng sama ng loob ay taliwas sa buhay na nais ng Diyos na lakaran natin. Kailangang bantayan natin ang ating sarili sa mga bagay na ito at sa marami pang masasamang bagay na maaaring maghari sa buhay natin. Sapagkat dapat si Hesus lang ang maghari sa buhay natin sa araw-araw. Gaya kung paanong hindi malulugod ang Diyos kung wala tayong pananampalataya, hindi rin siya nalulugod sa mga tao makamundo at hindi lumalakad sa patnubay ng Banal na Espiritu. May mga Kristiyano na laging nasa simbahan at laging ak...

Tula 1

Kung ang mga tala ay kinatha upang sambahin ka, Kung gayon, maging ako'y magpupuri, Kung ang mga tao ay nilikha upang ibigin ka, Kung gayon, iibigin din kita, Walang ibang dahilan kung bakit ako naririto, Maliban sa katotohanang, Ako'y naririto upang magpuri sa'yo. Gumigising ako upang sambahin ka, Luwalhatiin ang pangalan mo, Siyang tangi kong kasiyahan, Binuo mo ang durog kong puso, Binago mo ang aking pagkatao. Hesus dakila ka! Walang makakakapantay sa'yo. Banal na Espiritu mabuti ka! Ikaw ang tangi kong kailangan. Mahal kong Ama, makatarungan ka! Ikaw ang aking tagapagligtas. Hindi mo ako iniwan kailanman, Hindi mo pinabayaan o kinalimutan, Gayong ako'y hamak na tao lamang. Araw-araw kitang iibigin, Sasambahin kailanman, Walang ibang hiling,  Kundi makapiling ka habang-buhay!