Tula 1
Kung ang mga tala ay kinatha upang sambahin ka,
Kung gayon, maging ako'y magpupuri,
Kung ang mga tao ay nilikha upang ibigin ka,
Kung gayon, iibigin din kita,
Walang ibang dahilan kung bakit ako naririto,
Maliban sa katotohanang,
Ako'y naririto upang magpuri sa'yo.
Gumigising ako upang sambahin ka,
Luwalhatiin ang pangalan mo,
Siyang tangi kong kasiyahan,
Binuo mo ang durog kong puso,
Binago mo ang aking pagkatao.
Hesus dakila ka!
Walang makakakapantay sa'yo.
Banal na Espiritu mabuti ka!
Ikaw ang tangi kong kailangan.
Mahal kong Ama, makatarungan ka!
Ikaw ang aking tagapagligtas.
Hindi mo ako iniwan kailanman,
Hindi mo pinabayaan o kinalimutan,
Gayong ako'y hamak na tao lamang.
Araw-araw kitang iibigin,
Sasambahin kailanman,
Walang ibang hiling,
Kundi makapiling ka habang-buhay!
Kung gayon, maging ako'y magpupuri,
Kung ang mga tao ay nilikha upang ibigin ka,
Kung gayon, iibigin din kita,
Walang ibang dahilan kung bakit ako naririto,
Maliban sa katotohanang,
Ako'y naririto upang magpuri sa'yo.
Gumigising ako upang sambahin ka,
Luwalhatiin ang pangalan mo,
Siyang tangi kong kasiyahan,
Binuo mo ang durog kong puso,
Binago mo ang aking pagkatao.
Hesus dakila ka!
Walang makakakapantay sa'yo.
Banal na Espiritu mabuti ka!
Ikaw ang tangi kong kailangan.
Mahal kong Ama, makatarungan ka!
Ikaw ang aking tagapagligtas.
Hindi mo ako iniwan kailanman,
Hindi mo pinabayaan o kinalimutan,
Gayong ako'y hamak na tao lamang.
Araw-araw kitang iibigin,
Sasambahin kailanman,
Walang ibang hiling,
Kundi makapiling ka habang-buhay!
Comments
Post a Comment