Ika-11 ng Disyrembre 2020

For the mind that is set on the flesh is hostile to God, for it does not submit to God’s law; indeed, it cannot. Those who are in the flesh cannot please God. Romans 8:7‭-‬8 ESV Lumakad tayo sa patnubay ng Banal na Espiritu. Hindi dapat ang makamundong pagnanasa ang pinapairal natin kundi ang mga bagay na kalugod-lugod sa Diyos. Ang mga makamundong bagay katulad ng katakatawan, kasamaan, kahalayan, kalaswaa, kasakiman, karamutan, pagmamayabang, pag-aaway, inggit, galit at pagtatanim ng sama ng loob ay taliwas sa buhay na nais ng Diyos na lakaran natin. Kailangang bantayan natin ang ating sarili sa mga bagay na ito at sa marami pang masasamang bagay na maaaring maghari sa buhay natin. Sapagkat dapat si Hesus lang ang maghari sa buhay natin sa araw-araw. Gaya kung paanong hindi malulugod ang Diyos kung wala tayong pananampalataya, hindi rin siya nalulugod sa mga tao makamundo at hindi lumalakad sa patnubay ng Banal na Espiritu. May mga Kristiyano na laging nasa simbahan at laging aktibo sa paglilingkod subalit hindi natin nasisigurado kung tunay nga bang lumalakad siya sa Banal na Espiritu. Mahirap manghusga at wala tayo sa posisyon upang kondenahin ang sinuman. Gayunpaman, nariyan ang katotohanan na hindi lahat ng nasa simbahan ni Kristo ay talaga lumalalakad sa patnubay. At aaminin na maraming pagkakataon na ako'y nagiging makamundo. Mas pinipili ko minsan ang mundo kaysa lumakad sa Espiritu. Minsan ito ay dahil hindi ko nais mapahiya, pagtawanan o kaya'y laitin ng iba. At labis ko itong ikinalulungkot. Subalit nanalanagin ako sa Diyos na bigyan niya ako ng kalakasan na talagang lumakad sa kanyang nais at kalooban at hindi sa sarili ko lamang. Sapagkat paano ko siya mabibigyang karangalan kung sarili ko lamang ang aking sinusunod at hindi ang Banal na Espiritu. Sundin nating ang Banal na Espiritu. Pakinggan natin ang Kanyang boses at lumakad sa nais niya para sa Diyos Ama, sa ikaluluwalhati ng ngalan niya.

Comments

Popular posts from this blog

Kung Nalulungkot ka

Hunyo 15, 2023