Si Dome at Maine
Sabi nila haiskul daw 'yung pinakamasayang yugto ng student life. Totoo naman, pero mas gusto ko sa kolehiyo. Doon ako nakatagpo ng mga taong may mga paninindigan at tumintindig sa kanilang mga ipinaglalaban. Marami ang patuloy na lumalaban sa kabila ng mga puwersang humahadlang sa kanila. At may mga ilang din na tumutuklas pa lang kung ano 'yung gusto nilang ipaglaban at pag-alayan ng buhay nila. Isa ako sa mga taong 'yon. At masaya akong sabihin na natagpuan ko sa apat na sulok ng kampus ng PUP 'yung bagay na gusto kong ipaglaban at panindigan hanggang kamatayan. Ito rin ang siyang bagay na patuloy na bumubuhay sa'kin araw-araw. Bihira kang makakilala ng mga taong masasabi mong kahulma mo. 'Yung tipong nagkakasundo kayo sa maraming bagay. Iisa 'yung paniniwala niyo at mithiin, at kapareho ng pananaw tungkol sa maramimg bagay sa mundong ibabaw. Sila 'yung mga taong ayaw mong kalimutan. Si Dom at Maine. Sila 'yung dalawang taong nagpapagaan sa pagl...