Posts

Showing posts from September, 2022

Kabutihan

“Now therefore, speak to the men of Judah and to the inhabitants of Jerusalem, saying, ‘Thus says the Lord: “Behold, I am fashioning a disaster and devising a plan against you. Return now every one from his evil way, and make your ways and your doings good.” Jeremiah 18:11 NKJV  Minsan nakakalimutan ko na gumawa ng mabuti sa kapwa ko. Minsan naman sinasadya ko kasi inconvenient sa'kin. Ginagawa ko 'yon kasi alam mo na papatawarin naman ako ni Lord. Alam ko kung ano ang ginawa ni Hesus sa krus kaya madali sa akin ang humindi sa pangungusap ng Panginoon na gumawa ng mabuti sa mga nangangailan. Isang libong beses ko nang hindi pinansin ang Diyos dahil alam ko na papatawarin niya ako. Alam kong naiintindihan niya ako.  Pero habang tumatagal, nasasanay na ako. Mas madali na sa akin na humindi. Halos di na ako nakokonsensya. Pero napagtanto ko na sa pagkakataong ito, kailangan ko nang bumalik sa Diyos at sundin na ang boses niya.  Mapagpatawad ang Diyos, pero dahil sa paulit-ul...

Kamatayan

Bakit namatay si Hesus? Si Hesus ay namatay upang maligtas tayo sa kamatayan. Siya ang Salita ng Diyos na nagkatawang tao. Naranasan niyang mtukso, maghirap katulad natin subalit kailanma’y hindi nagkasala. Siya ang tupa ng Diyos na walang kapintasan. Dumanak ang dugo niya para sa sanlibutan sapagkat sinasabi sa kasulatan na kung walang pagbubuhos ng dugo bilang handog sa Diyos, wala ring kapatawaran ng mga kasalanan. Ibinigay mo ng Panginoong Hesus ang Kanyang buhay upang malugod ang Diyos Ama, at Siya ay nalugod kay Hesus kaya ngayo’y pinatawa Niya ang ating mga pagkakasala. Ikaw po ay pinatawad na ng Diyos dahil sa ginawa ng Panginoong Hesus. Ikaw po ay pinatawad dahil sa ginawa ni Hesus at hindi dahil sa ginawa mo. Hindi po sapat ang ating kabutihan upang mapagtakpan ang ating mga kasalanan. Hindi rin po ito sapat upang tayo’y makaakyat sa langit, kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Hesus. Sapagkat si Hesus po ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Tayo pong lahat a...

Pagbabalik

Lucas 15:11-24 Nagpatuloy si Jesus sa kanyang pagkukwento, “May isang ama na may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama, ‘Ama, ibigay nʼyo na sa akin ang bahaging mamanahin ko!’ Kaya hinati ng ama ang ari-arian niya sa dalawa niyang anak. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon niya ginastos ang lahat sa walang kwentang pamumuhay. Nang maubos na ang pera niya, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at naghirap siya. Kaya namasukan siya bilang tagapag-alaga ng baboy sa isang taga-roon. Sa tindi ng kanyang gutom, parang gusto na niyang kainin kahit pagkain ng mga baboy, dahil walang nagbibigay sa kanya ng makakain. “Nang mapag-isip-isip niya ang lahat, sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Sa amin kahit ang mga utusan ng aking ama ay may sapat na pagkain at sobra pa, pero ako rito ay halos mamatay na sa gutom. Babalik na lang ako sa amin at sasabihin ko sa aking ama, “Ama, nagkasala po ako sa Dios at s...

Katapusan

1 Pedro 4:7 ASND Malapit na ang katapusan ng mundo. Kaya pigilan ninyo ang sarili nʼyo para hindi kayo makagawa ng masama at nang walang maging hadlang sa mga panalangin ninyo. Marami ang walang pakialam kay Hesus kasi hindi naman nila alam na kailangan niya sila. Pero sinasabi sa Bibliya na may naghihintay na kaparusahan sa atin, sa lahat ng tao sa buond mundo dahil sa mga kasalanan natin. Darating araw na sisirain ng Diyos ang mundo at mayroong Araw ng Paghuhukom. Walang makakaligtas malibang manampalataya ang tao kay Hesus. Nakakatakot ang katotohanan ito pero hindi lahat naniniwala dito kaya hindi rin sila naniniwala kay Hesus. Pero para sa'kin hindi dapat ito ang pangunahing dahilan kung bakit dapat kang maniwala kay Hesus. Para sa'kin hindi takot (dahil sa napipintong parusa) ang manaig sa paglapit natin kay Hesus kundi ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan. Malapit na akong magtapos sa kolehiyo. At sabi nila malapit na rin ang katapusan ng mundo. Kaya nga wala akong pang...

Walang Hanggang Buhay

Salmo 89:48 ASND  Sinong tao ang hindi mamamatay? Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?  Maiiwasan ang kamatayan sa pamamagitan ni Hesus. 'Yan ang isa sa mga mensahe ng John 3:16. "Whoever believes in Him (Jesus) shall not perish but have eternal life."  Si Hesus ang sagot sa tanong ni David sa salmong ito. Si Hesus ang makakapagligtas sa atin mula sa kamatayan papunta sa buhay na walang katapusan. Kay Hesus, walang kapangyarihan ang kamatayan. Siya ang kailangan natin ngayon, bukas at kailanman. Hindi tayo mabubuhay kung wala si Hesus. Siya ang daan papunta sa buhay na walang hanggan. Sa buhay na masagana at kabanalan.

2 Pedro 2:3

 2 Pedro 2:3 ASND  Dahil sa kasakiman nila, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng matatamis na salita para kwartahan kayo. Maraming tao nagpapakalat ng maling interpretasyon ng Bibliya. Kahit ako, hindi ko ito maiwasan kung minsan. Kaya nga ang pinakamainam na gawin sa mga panahong ito ay basahin ang Bibliya araw-araw nang sa gayon ay araw-araw din tayong natututo at lumalawak ang pang-unawa natin tungkol sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Madaling magsalita patungkol sa Diyos. Pero hindi lahat ng patungkol sa Diyos na sinasabi nila ay katotohanan. Minsan hindi nila sadya pero mayroong ding nananadya para manlinlang ng tao dahil sa mga pansarili nilang ambisyon. At gaya nga ng sabi ni Pablo, ang Diyos na ang bahala para magparusa sa kanila. Hiling ko na laging buksan ng mga Kristiyano ang Bibliya nila. Hindi lang sila bastang umupo sa loob ng simbahan at lunukin lahat ng sinasabi ng mga pastor kasi marami ang hindi talaga nakakakilala sa Diyos pero nagsasalita sila tungkol s...

Fullness of Joy

Psalm 16:11 You make known to me the path of life; in your presence there is fullness of joy; at your right hand are pleasures forevermore.  Kalungkutan. Para sa'kin, isa itong parusa nang paglayo natin sa presensiya ng Diyos. Ayokong nalulungkot ang mga tao pero ayokong isipin nilang masaya sila kahit wala si Hesus sa buhay nila. Kasi ang totoo, nasa presensiya ni Hesus ang tunay na kasiyahan. Naaalala ko nu'ng wala akong Hesus sa buhay. 'Yun ang mga panahon binabalot ng kalungkutan ang buo kong pagkatao. Tinalikuran ko ang Diyos kaya't niyakap ako ng mundo. Kasabay nu'n ay ang araw-araw kung pakikibaka sa walang kasing lalim na lungkot at pagkalumbay. Akala ko wala nang katapusan 'yung pagdurusa ko. Akala ko habang-buhay na akong makakaranasan ng lungkot na di ko maipaliwanag. Si Hesus pala ang daan paalis sa lambak ng kalungkutan papunta sa ilog ng walang humpay na kagalakan. Siya ang nagligtas sa'kin sa selda ng kadiliman patungo sa kaliwanagan. Dahil...

DON'T Follow Your Heart

Sabi sa Jeremiah 17:9, "The human heart is the most deceitful of all things, and desperately wicked." Hindi dapat natin pinagkakatiwalaan ang sarili natin. Huwag mong sundin ang puso mo dahil mapanlinlang ito. Nu'ng ginawa ng Diyos ang puso mo, hindi ito perpekto. Kaya nga sabi Niya sa Ezekiel 36:26, "And I will give you a new heart, and a new spirit I will put within you. And I will remove the heart of stone from your flesh and give you a heart of flesh." Natatanggap natin ang bagong puso na ito sa pamamagitan ni Kristo. Sa oras na tinanggap natin si Kristo at nagsisi tayo sa mga kasalanan natin, doon nagsisimulang baguhin ng Diyos ang puso natin. Unti-unti Niyang pinapalitan ang puso natin na parang bato at pinapalitan ng puso na kawangis ng puso ni Kristo. At ang pagbabago ng puso na ito ay dumadaan sa mahabang proseso. Dumadaan ito sa apoy upang maging dalisay. At sa gitna ng proseso na iyon, nariyan lagi ang Diyos para gabayan tayo. Maliban pa dito, kaya na...

Lahat ay sa Kanya

Job 1:21 He said, “I came naked from my mother’s womb, and I will be naked when I leave. The LORD gave me what I had, and the LORD has taken it away. Praise the name of the LORD!”  Kagigising ko lang at ito agad ang pumasok sa isipan ko. Lahat ng bagay ay pagmamay-ari ng Diyos. At lahat ng mayroon tayo ay pansamantala Niyang pinapahuram sa atin. May panahon kung kailan nagbibigay siya ng biyaya. At may panahon kung kailan kinukuha Niya ang anumang binigay Niya sa atin maging bagay man o mga tao sa buhay natin. Magulang, kapatid, anak, kaibigan, at mga materyal na bagay. Lahat ng iyan ay natatanggap natin mula sa Diyos pero hindi ito mananatiling sa atin dahil Siya ang tunay na nagmamay-ari sa lahat ng mayroon tayo. Maging ang ating mga sarili.  Repleksyon Kapag naiisip ko ang katotohanang ito, naiiwasan ko ang maging possesive at pagiging materialistic. Ang hirap kasi nu'ng inaangkin mo lahat. At hinahawakan mo ng pagkahigpit-higpit 'yung mga bagay na mayroon ka. Ayaw mong pak...

Worthless Pursuits

Ngayong umaga habang nagbabasa ako sa chapter 12 ng Proverbs, hindi ko maiwasang mapaisip sa mga salitang ito,  "he who follows worthless pursuits lacks sense."  'Yan ay nasa ika-11 na berso ng kabanata 12, "Whoever works his land will have plenty of bread, but he who follows worthless pursuits lacks sense." Paulit-ulit kong inisip kung worthless pursuit ba 'yung pagsusulat ko sa blog na 'to. Ano pa kaya 'yung mga worthless pursuit sa buhay ko na patuloy ko pa ring ginagawa? Siguro panunuod ng kdrama kung minsan at pag-scroll sa facebook kapag walang magawa. Lahat tayo may mga worthless pursuits sa buhay. Mga bagay na walang kabuluhan. Ginagawa natin ang mga ito dahil hindi natin napagtatanto na wala naman pa lang saysay. Nagsasayang lang tayo ng oras. Minsan ginagawa natin kasi bored tayo at walang mapaglibangan. Minsan naman ginagawa natin kasi ginagawa ng karamihan. Nakikiuso at sumasabay lang sa daloy ng mundo. At kung minsan naman ginagawa natin...

Isang taon pa. Isang taon na lang.

Malapit na ulit magpasukan. Fourth year na ako. Isang taon na lang. Isang taon pa.  Nalulungkot akong isipin na isang taon lang ako namalagi sa kampus ng PUP sa buong buhay kolehiyo dahil sa pandemya. Kung matutuloy ang face to face classes ngayon, dalawang taon din naman. Naiisip ko 'yung mga nasayang na memories kasama ang mga kaklase kung sakaling hindi nagkapandemya. Pero ayos lang. May purpose siguro ang Diyos kung bakit Niya hinayaan 'to.  Naalala ko 'yung propesor namin sa Ethics na wala sa katinuan. Sobrang weird niya. Hindi na nga maayos magturo, mababa pa magbigay ng grado. At naaalala ko rin 'yung mga magagaling naming propesor. Gaganahan ka talaga pumasok at makinig. Habang nagtatalakay sila, naiisip mo rin ang sarili mo na nakatayo sa harap at inspired na inspired magturo sa mga bata. Ganu'n ang mga propesor na gustong-gusto ko. 'Yung nakapagbibigay sa'yo ng pag-asa na balang-araw magiging maayos din ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas dahil s...

Joy

Psalm 16:89  I know the LORD is always with me. I will not be shaken, for he is right beside me. No wonder my heart is glad, and I rejoice. My body rests in safety.  Napalapit ako kay Hesus dahil sa depression ko. Marami akong nababasa na Bible na nagsasabing sa piling ng Diyos mo matatagpuan ang tunay na kagalakan. Sinasabi rin na isa sa mga bunga ng Banal na Espiritu ay kagalakan (Galataians 5:22). At kitang-kita ko sa mga Kristiyano 'yung joy na nararanasan nila. Kita sa mukha nila, galaw at pananalita. At sinabi ko sa sarili ko, "Gusto ko rin ng joy na mayroon sila." 'Yung ang rason kung sumunod ako kay Hesus. Alam ko medyo mali pero 'yun talaga 'yung gusto. 'Yung maging masaya kahit binabagsakan ng problema ng mundo. At alam ko na 'yung saya na hinahanap ko ay kay Hesus ko lang matatagpuan. 'Yung saya na hindi mo maipaliwanag. A joy that surpasses all understanding. Hindi destinasyon ang kasiyahan. Si Lord ang destinasyon at kagalakan ang kasa...

Mga Bagay na Lumilipad sa Utak ko

Kapag gumawa ka ng mabuti, mapupunta ka sa langit. Kapag naging mabait ka, mapupunta ka sa langit. Isa itong kasinungalingan. Hindi ka papasukin ng Diyos sa Langit dahil sa mga mabubuti mong gawa. Hindi kayang pagtakpan ng mabubuti mong gawa ang kasalanan ng 'yung kaluluwa. Kung kaya mong gawin 'yun, edi sana hindi na Niya pinababa ang nag-iisa Niyang anak. Kung kaya mong iligtas ang sarili mo, para saan pa ang pagkamatay ni Hesus? Namatay si Hesus dahil hindi mo kayang iligtas ang sarili mo. Walang ibang daan papunta sa Kaharian ng Diyos maliban kay Hesus. Siya ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Si Hesus lang ang tanging makapaglilinis sa'tin sa atin mga kasalanan. Siya lang at wala nang iba. Ang tunay na tagumpay ay hindi ang magkamit ng mga materyal na bagay. Ang tunay na tagumpay ay ang makilala si Hesus at paglingkuran Siya habang-buhay. Hindi isang religious book ang Bibliya. Ito ay ang aklat na naglalaman tungkol sa Lumikha sa'yo, sa'yo at sa mundo...

Si Crush

Minsan umuwi ako sa probinsiya namin. Bakasyon namin nu'n, magti-third year college ako sa susunod na pasukan. Dumaan din ang pandemya kaya minabuti kong pansamantala muna mamalagi doon habang umaarangkada pa ang COVID-19 sa Maynila at iba't ibang panig ng Pilipinas. Wala akong masyado mapaglibangan kaya sumama ako magsimba sa isang born again Christian na simbahan. Magaganda 'yung kanta nila. Kakaiba rin ang preaching kaya lagi na akong nagsisimba tuwing linggo. Pero hindi 'yun ang totoong dahilan ng pagsimba ko kundi 'yung gitarista ng worship team nila. Johnrey 'yung pangalan niya. Matangkad, singkit, maputi, mabait, maka-Diyos, gwapo higit sa lahat magaling maggitara at kumanta. So far, nasa kanya na ang lahat. Nakakahulog talaga 'yung tingin niya. Sobrang kinikilig ako kapag minsang nagkakatinginan kami. May isang beses nga na kumakanta siya at hindi ko mapigilan mapangiti kaya pilit akong nag-iisip ng mga malulungkot at seryosong bagay para hindi mapan...

Job 36:21 NLT

Be on guard! Turn back from evil, for God sent this suffering to keep you from a life of evil. Job 36:21 NLT Kapag alam mo talaga ang Salita ng Diyos, hindi mo Siya basta-bastang sisisihin sa mga nangyayari sa buhay mo. Kapag binabasa mo ang Bibliya, mas naiintindihan mo si Lord. Alam mo na may dahilan kung bakit Niya hinahayaan na mangyari ang mga bagay-bagay. Lumalawak ang pang-unawa mo at mas nagiging matalino ka sa buhay. Dati madalas kung sisihin ang mga tao sa paligid ko kapag may nangyayari hindi maganda sa'kin. Sinisisi ko 'yung pamilya ko at mga kaibigan at napupuno ng galit at hinanakit ang puso ko. At siyempre, higit sa lahat ang Diyos ang sinisisi ko. Dinidisiplina at tinuturuan pala tayo ng Diyos kaya may mga pagsubok na dumadating sa buhay natin. Itinutuwid Niya ang mga mali natin pag-iisip at pamamaraan para hindi tayo mapahamak. Ganu'n tayo kamahal ni Lord pero hindi natin 'yun nakikita. Minsan naman 'yung mga pangit na pangayayari sa buhay natin ay ...

Walang Kasiguraduhan

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'kin paglipas ng sampung taon. Sa ngayon, gusto kong mag-Law School pagkatapos ng bachelor's degree. Pero gusto ko ring maging manunulat at gumawa ng mga documentary films. Nasa puso ko rin naman ang pagtuturo. Pero ewan. Hindi ko talaga alam. Kahit magplano man ako, si Lord pa rin ang masusunod. Siya ang susundin ko kasi Siya ang Master ko. Siya dapat ang masusunod at hindi ako. Isang taon na lang magtatapos na ako sa kolehiyo. Nae-excite ako at kinakabahan sa posibleng mangyari. Pa'no kung hindi maging maayos 'yung daloy ng mga pangyayari? Pa'no kung mabigo ako sa mga gagawin ko? May mga ganoon akong naiisip. Pero nananaig pa rin ang Salita ng Diyos sa puso ko. Kaya kahit walang kasiguraduhan, alam kong may plano ang Diyos. Maaaring dumaan ako sa apoy pero naniniwala ako na hindi Niya ako iiwan at pababayaan. Alam ko na anuman ang mangyari, saan man ako mapadpad, sigurado ako na sasamahan ako ng Panginoon kaya hindi ako mang...

Pag-amin

When I refused to confess my sin, my body wasted away, and I groaned all day long. . . . Finally, I confessed all my sins to you and stopped trying to hide my guilt. I said to myself, “I will confess my rebellion to the Lord.” And you forgave me! All my guilt is gone. Psalm 32:3,5 Nagsisimula ang pagbabago sa buhay natin kapag inaamin natin ang mga kasalanan natin. Pero kapag pilit natin itinatago 'to sa Diyos, mas lalo tayong nahihirapan at nabibigatan gaya ng inilahad ni David. Habang matagal nating tinatago sa Diyos ang kasalanan natin, mas lalo tayong nagiging ma-pride at napapalayo sa Kanya. Ganu'n ang ginawa ni Adam at Eba dati noong nagkasala sila kay Lord. Nagtago sila. Pero kahit nagtago sila, kitang-kita at alam na alam pa rin ng Diyos kung ano ang ginawa nila. Kaya wala ring silbi ang pagtatago kasi nakikita ng Diyos ang lahat. Kapag pilit kang nagtatago, ikaw lang din ang nahihirapan. Ikaw lang din ang nakukulong sa kasalanang ginawa mo.  Kaya wag mo nang pahirapan ...

Hunyo

Dapithapon, naglalakad si Hunyo pauwi sa kanilang bahay. Galing siya sa ekswela. Kanina pa dapat ang uwian nila pero nag-over time na naman ang titser niya. Patuloy siya sa paglalakad. Maririnig ang busina ng mga sasakyan. ‘Di alintana ang usok na nasisinghot mula sa mga tambutso. Pinagmamasdan niya ang mga dumadaang sasakyan, ang mga tao, at ang mga hayop na makikita sa paligid. Nang lumiko siya sa isang kanto, bigla siyang nakaramdam ng awa nang makita niya ang isang pulubi na nakaupo sa isang tabi. Malamlam ang kanyang mga mata. Maputla at tuyo naman ang kanyang labi. Impis ang katawan nito na tila madadala na ng ihip ng hangin. Gula-gulanit ang kupas niyang damit at mababanaag sa mukha ng pulubi ang paghihirap at kawalan ng pag-asa. ‘Yun ang unang beses na nakita niya doon ang pulubing ‘yon. Sigurado siyang bago lang ito sa lugar nila dahil halos araw-araw siyang dumadaan sa kanto na ‘yon at noon niya lang ito nakita. Tiningnan lamang ni Hunyo ang kawawang pulubi habang n...

Pag-asa

Sapagkat wala tayong tunay na bayan sa mundong ito, pero hinihintay natin ang bayan na paparating pa lang. Hebreo 13:14 ASND                 Nalulungkot akong isipin na balang-araw lahat ng mga bagay sa mundong ito ay mawawala. ‘Yung mga bagay na pinapahalagahan at iniingatan natin ay maglalaho bigla na parang bula. Isa itong masaklap na reyalidad. ‘Yung magagandang kotse, mala-mansyong bahay, nagtataasang gusali na dekada ang inabot para maitayo, at lahat ng mga mamahaling gamit at kasuotan sa mundong ito, ay mawawala sa isang iglap. Hindi rin natin madadali ang mga ito kapag namatay tayo. Oo nga’t may pakinabang ito sa kasalukuyan pero paano naman kaya sa hinaharap?      Isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit na-depress ako. Wala akong gana mabuhay kasi naiisip ko na wala ring saysay ang pagpapaguran ko kasi lahat ‘yan iiwan ko rin kapag namatay na ako.   Pero nagkaroon ako ng pag-asa nang makilala ko...